Manila, Philippines – Iniulat ng Department of Foreign Affairs na walang pinoy ang kabilang sa mga naitalang sugatan sa pagsabog sa district line na isa sa pinaka-abalang subway lines sa London Underground system.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, nakikiisa ang Pilipinas sa pagkundena sa panibagong terrorist attack sa London.
Umaasa din aniya ang DFA na agad mapapanagot kung sino man ang nasa likod ng malagim na insidente.
Sa pinaka huling tala, umaabot na sa 29 ang mga sugatan sa pinaka bagong pag-atake sa London.
Kasabay nito hinihimok ng DFA ang Filipino community sa London na manatiling maging mapagmatyag.
Nabatid na mayruong tinatayang 182,700 Filipinos ang naninirahan at nagttrabaho sa United Kingdom, sa nasabing bilang 70 porsyento dito ay naninirahan sa Greater London area.