Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Tripoli na maging alerto at umiwas muna sa matataong lugar.
Ito ay makaraan ang nangyaring suicide bomb attack sa Libyan Ministry of Foreign Affairs noong Huwebes.
Nag-iwan ang insidente ng 3 patay at 7 sugatan.
Ayon kay Philippine Embassy Chargé d’Affaires Mardomel Melicor, mabuting balita dahil walang Pinoy ang nadamay sa nasabing suicide bomb attack.
Sinabi pa nito na naganap ang insidente dakong alas 10:30 ng umaga sa Tripoli kung saan tatlo ang suicide bombers.
Sa ngayon nakipag-ugnayan na ang ating embahada sa 2,000 myembro ng Filipino community sa Tripoli na manatili muna sa loob ng kani-kanilang tahanan hanggat hindi pa mapayapa at normal ang sitwasyon.
Facebook Comments