DFA, limang araw nang walang naitalang Pinoy na namatay sa abroad sa COVID

59

Limang araw nang walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mga Pinoy sa abroad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 755.

5 lamang din ang naitalang bagong kaso ng mga Pinoy na na-infect ng virus sa ibayong dagat.

Habang 28 naman ang mga Pinoy na bagong gumaling kaya ang total recoveries ngayon ay 6,123.

Umaabot ngayon ang kabuuang Pinoy na tinamaan ng COVID sa abroad ay 10,067 kung saan ang active cases ay 3,189.

Facebook Comments