Magpapadala sa United Nations (UN) ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kopya ng desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court hinggil sa pagpapawalang sala kay Senator Leila De Lima sa isa sa tatlong kinahaharap nitong drug cases.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, layunin nitong ipakita sa UN na gumagana ang sistema ng hustisya sa Pilipinas.
Iginiit ni Locsin na dapat igalang ng UN ang justice system sa bansa bago sila tumalak at magbitaw ng mga mala-ignoranteng komento.
Matatandaang inihayag ni De Lima na isang “moral victory” ang kanyang pagkaka-acquit sa Criminal Case No. 17-166 matapos mabigo ang prosekusyon na ilatag ang matibay na ebidensya na mayroong guilt beyond reasonable doubt sa parte ng senadora.
Facebook Comments