Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ireresolba nito na mahinahong paraan ang isyu sa suspension ng Kuwait sa entry at work visa para sa mga Pilipino epektibo nitong May 10.
Kumpiyansa naman si DFA Asec. Paul Cortes na madadaan sa negosasyon ang naturang problema lalo na’t magkaalyado naman ang Pilipinas at Kuwait.
Ayon kay Cortes, nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Embassy sa Kuwait sa Ministry of Foreign Affairs ng nasabing bansa kaugnay ng naturang isyu.
Sa ngayon, halos 300,000 ang mga Pinoy sa Kuwait at ang pinapayagan lamang ngayon na pumasok doon ay ang mga Pinoy na may residence visa.
Facebook Comments