Dating Unang Ginang Imelda Marcos, sumailalim sa isang operasyon

Kinumpirma ni Senator Imee Marcos na sumailalim sa isang medical procedure ang kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Ayon kay Senator Marcos, sumailalim sa isang operasyon ang kanyang ina noong May 7 sa St. Luke’s Medical Center sa BGC, Taguig.

Naging matagumpay aniya ang angioplasty na isinagawang operasyon sa dating unang ginang.


Aniya pa, nagpapagaling pa sa kasalukuyan ang kanyang ina at inaasahang makakauwi na sa linggong ito.

Ang dating Unang Ginang Marcos ay mag-94 years old na sa buwan ng Hulyo.

Facebook Comments