DFA, malaki ang maitutulong para madagdagan ang suplay ng COVID-19 vaccine sa bansa

Pinapakilos ni Senator Francis Tolentino ang Department of Foreign Affairs o DFA para madagdagan ang ating suplay ng bakuna laban sa COVID-19.

Paliwanag ni Tolentino, maaring gamitn ng DFA ang diplomatic relations ng Pilipinas sa mga bansa na maaring pagkunan ng kailangan nating suplay ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Tolentino, pwedeng tutukan ng DFA ang mga bansa na hindi kasama sa kinakausap ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) para bilhan ng bakuna.


Inihalimbawa ni Tolentino ang Cuba na naka-develop ng COVID-19 vaccine na Soberana 2 at Abdala na 92.8 percent effective laban sa COVID-19.

Dagdag pa ni Tolentino, pwede ring pagtuunan ng DFA ang India kung saan pwedeng bumili ng Covovax.

Sabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, tumutulong na ngayon si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. para sa paghahanap ng bakuna para sa Pilipinas.

Facebook Comments