DFA, may abiso sa mga may passport application at renewal

Manila, Philippines – Inaabisuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga may pending application & renewal ng kanilang passport nuong Sept 21 na maaari parin silang i-accommodate ng ahensya hanggang sa Oct 5.

Matatandaan noong Sept. 21 ginunita ang ika-45 taon ng deklarasyon ng Batas militar at ang ilang opisina at mga eskwelahan ay deklaradong walang pasok.

Ayon sa DFA sa mga mayroong confirmed passport appointments noong September 21 maaari parin silang mag-apply at mag-renew ng pasaporte hanggang Oct. 5 basta’t dalhin lamang ang kanilang confirmed passport appointment kalakip ang iba pang rekesitos.


Bukas ang tanggapan ng DFA simula Lunes hanggang Biyernes habang ang mga mall-based DFA Consular Offices ay bukas simula Lunes hanggang Sabado.

Facebook Comments