
Nabuhayan ng loob ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa anunsyo hinggil sa Israel-Hamas peace plan.
Ito ay lalo na’t magiging daan ito sa pagpapalaya ng mga bihag sa Gaza at manunumbalik ang pamumuhay ng mga sibilyan doon.
Pinuri naman ng DFA ang mga bansang naging daan sa negosasyon partikular ang US, Qatar, Egypt, at Turkey.
Umaasa naman ang Pilipinas na magtutuloy-tuloy na ang kapayapaan sa rehiyon lalo na’t dalawang milyong ang mga Pilipinong naninirahan doon at libu-libo namang Filipinos seafarers ang naglalayag sa rehiyon.
Facebook Comments









