Pansamantalang suspensyon ng road reblocking, ipinag-utos ni DPWH Sec. Dizon

Ipinatitigil na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang lahat ng ginagawa at gagawin pang road reblocking kung may mga proyektong ginagawa ang kanilang mga tanggapan.

Ayon kay Dizon, lilinawin muna niya kung ano ba ang batayan ng reblocking sa gitna na rin ng matinding galit ng publiko sa ganitong aktibidad.

Dagdag pa ni Dizon, iimbestigahan na rin nila ang road reblocking at kung may lalabas na anomalya ay kakasuhan din ang mga sangkot dito.

Maglalabas ang DPWH ng bagong Department Order na sasaklaw sa pagpapatupad ng reblocking upang mas maipaliwanag ito nang maayos sa publiko.

Hinikayat pa ni Dizon ang publiko na magsumbong sa social media account ng DPWH para agad nilang matugunan.

Kabilang sa dalawang ipinatigil na agad ng kalihim ay ang reblocking sa Bocaue, Bulacan, na kita umanong hindi naman sira ang kalsada, gayundin sa Tuguegarao City sa Cagayan.

Facebook Comments