Friday, April 10, 2026

DFA, nag-abiso na sarado pa rin ang airspace ng Kuwait at Bahrain

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sarado pa rin ang airspace ng Kuwait at Bahrain.

Bunga nito, patuloy ang paglipad ng Kuwaiti Airways at ng Gulf Air via Dammam,Saudi Arabia.

Ayon sa DFA, partially open naman ang airspace ng Qatar, United Arab Emirates (AUE) at Jordan.

Nananatili namang bukas ang airspace ng Oman, Turkiye, Saudi Arabia at Egypt.

Nananatili namang limitado ang flights ng Qatar Airways hanggang April 15 kabilang na ang patungo ng Manila.

Habang suspendido pa rin ang flights ng Philippine Airlines patungo ng Doha, Qatar.

Ang Cebu Pacific naman ay suspendido pa rin ang flights patungong Dubai, UAE hanggang April 30.

At ang PAL ay suspendido rin ang flights sa Dubai hanggang May 31.

Facebook Comments