DFA, nag-sorry sa pagkaantala ng pagpapadala ng mga bagong passport

Humingi ng paumanhin ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa pagkakaantala ng pagpapadala ng mga bagong passport.

Ayon sa DFA, lumobo sa mahigit 24,000 ang mga sinuspindeng passport application dahil mali ang mga impormasyong isinulat sa online application.

Tulad na lamang ito ng pangalan at kaarawan.


Inamin naman ng DFA na para maimprenta ang mga passport ay kailang isa-isahin ang pagtatama sa mga maling impormasyon.

Target itong tapusin ng DFA sa katapusan ng Oktubre.]

Facebook Comments