DFA, nagbabala sa iregularidad sa Hajj passport

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Foreign Affairs sa Publiko laban sa mga nag-aalok ngpagproseso sa Hajj passport.

Ayon sa DFA, ang Hajj passport ay maaari lamang makuha sa consular offices ng departamento.

Nagbabala ang DFA na hindi sila mangingiming kasuhan ang sino mang lalabag sa Philippine Passport Act.


Magugunitang noong nakaraang taon nabunyag ang katiwalian sa pag-iisyu ng Hajj passport kung saan ilang Indonesian at Malaysian nationals ang naisyuhan ng Philippine Hajj passport.
DZXL558

Facebook Comments