Muling nagpakawala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng panibagong diplomatic protest laban sa China.
Ito ay may kaugnayan sa presensya ng 287 Chinese vessels sa karagatan ng Pilipinas, ayon sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS)
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., nagagalit siya kung bakit naglabas ang NTF-WPS ng press release na hindi nag-aabiso muna sa DFA.
Binanggit niya ang isyung ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao at sa susunod naman aniya at makakasunod na ang task force sa protocol.
Dapat aniya magpaliwanag ang NTF-WPS kung bakit sila naglalabas ng mga ganitong report na walang pasabi mula sa kagawaran.
Facebook Comments