DFA, naghahanda na sa pagpapauwi sa higit 100 pang Pilipino na nasa Afghanistan

Nasa higit 100 pang karagdagang mga Pilipino ang inihahanda ng gobyerno na mapauwi mula sa Afghanistan.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, naghahanda na ang Department of Foreign Affairs sa pagsasagawa ng ikalawang repatriation ng mga kababayan nating naipit sa nasabing bansa.

Sa ngayon ay pansamantalang nanunuluyan ang mga ito sa mga hotel at compound ng mga pinagtatrabahuhan habang apat pa ang na-stranded sa United Nations compound.


Una nang dumating na bansa noong martes ang 35 Pilipino na pinauwi ng kanilang mga kompanya pinagta-trabahuhan.

Facebook Comments