DFA, naghahanda ng repatriation sa mga Pilipino sa Indonesia

Naghahanda ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng repatriation sa mga Pilipino sa Indonesia.

Sa harap ito ng patuloy na paglobo ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa nasabing bansa at sa pagpapatupad ng Pilipinas ng travel restriction sa Indonesia.

Tiniyak din ng DFA na naka-alerto ang Philippine Embassy sa Jakarta para sa mga Pinoy na posibleng ma-infect ng virus.


Samantala, kinumpirma ni DFA Undersecretary Brigido Dulay na may ilang tauhan na rin ng Embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ang tinamaan ng COVID-19.

Una na ring napaulat na ilang staff ng Philippine Embassy sa Jakarta ang nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments