DFA, naghain ng panibagong diplomatic protest laban sa China

Panibagong diplomatic protest ang inihain ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China dahil sa patuloy na deployment ng Chinese maritime assets sa bisinidad ng Pag-asa Islands.

Ayon sa DFA, bukod sa deployment, ipinoprotesta rin ng bansa ang matagal ng presensya at illegal na aktibidad ng Chinese maritime assets sa naturang lugar.

Hinihiling ng ahensya na i-withdraw na ang china ang kanilang mga barko sa lugar lalo na’t importanteng parte ng Pilipinas ang Pag-asa Islands.


Makailang beses nang naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China sa patuloy na pangangamkam ng huli ng teritoryo.

Facebook Comments