Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng pagpapauwi nito sa Pilipinas kay Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.
Ayon sa DFA, ito ay matapos makunan ng video footages na pinagsisigawan at minamaltrato ni Ambassador Mauro ang kanyang household staff.
Ang nasabing household staff ay umalis na ng Brazil noong October 21 at nandito na sa Pilipinas
Nakikipag-ugnayan na rin sa kaniya ang DFA para matiyak ang kooperasyon nito sa ginagawang imbestigasyon kay Mauro.
Tiniyak naman ng DFA sa publiko ang gagawin nilang malalimang imbestigasyon.
Facebook Comments