DFA ,naglabas ng statement sa assessment ng US department kaugnay ng trafficking in persons sa Pilipinas

Manila, Philippines – Welcome sa Department of Foreign Affairs ang U.S. Department of State’s Trafficking in persons report of 2017, kung saan ang Pilipinas ay nalagay muli sa tier 1 sa ikalawang pagkakataon o sa second consecutive year.

Ang 2017 tip report ang siyang sumusukat sa pagiging epektibo ng pilipinas sa paglaban sa human trafficking.

Tiniyak din ng DFA na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pakikipagtulungan sa domestic at international partners, kabilang na ang Estados Unidos para manatiling “fully compliant” sa anti-tip standards.


Sa pamamagitan din anila ng nasabing report, mas nae-engganyo ang Pilipinas na lalo pang palakasin ang pagprotekta sa mamamayan kontra human trafficking at paigtingin ang paghabol sa human traffickers.

Facebook Comments