Naglatag ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Saudi government kaugnay ng mga hakbangin para sa proteksyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang pag-improve ng access sa kalusugan ng OFWs na naapektuhan ng pandemic.
Idinulog din ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang hinggil sa treatment ng Saudi government sa labi ng mga Pinoy na namatay doon dahil sa COVID-19.
Samantala, tiniyak din ng DFA na makikipag-ugnayan sila sa Civil Aviation Authorities of the Philippines (CAAP) para sa pagbubukas ng flights para sa repatriation ng stranded OFWs sa ibayong dagat.
Facebook Comments