Nagpa-alala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy kaugnay ng travel restrictions sa Hong Kong mula hating-gabi ngayong araw, March 24, 2020.
Partikular na hindi na papayagang na makapasok ng Hong Kong sa loob ng dalawang linggo ang non-residents kabilang na ang transit passengers.
Pinapayuhan naman ng DFA ang mga Pinoy na maaapektuhan na mag-adjust ng kanilang travel plans
Pina-alalahanan din ng DFA ang mga Pinoy sa abroad na maging vigilant sa pinaiiral ngayon na lockdown sa iba’t ibang bansa dahil sa banta ng COVID-19 sa buong mundo.
Facebook Comments