Nagpa-alala sa publiko ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa anunsyo ng Brunei Darussalam na pansamantala munang ipinagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhan sa Brunei Darussalam para ma-kontrol ang pagkalat ng COVID-19 doon.
Sakop ng “temporary travel ban” ng Brunei ang lahat ng mga dayuhan, kasama ang Filipino citizens kung saan ipatutupad ito sa lahat ng kanilang “entry points” tulad ng airport, seaport at land border.
Ang mga bibiyahe o mga returning OFWs ay pinapayuhan ng DFA na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa updates ng kanilang flight.
Ayon sa DFA, hangga’t maaari ay ipagpaliban muna ng mga Pilipino ang pag-biyahe sa Brunei Darussalam.
Nagpa-alala rin ang DFA sa mga Pilipino na alamin ang mga bansa na nagpapatupas ngayon ng COVID lockdown.