DFA, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Cardinal Vidal

Manila, Philippines – Nakikiisa ang Department of Foreign Affairs sa pagdadalamhati ng bansa kasunod ng pagpanaw ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Allan Peter Cayetano hindi lamang maaalala si Cardinal Vidal sa kanyang spiritual leadership sa loob ng 3 dekada bagkus naging tanyag din ito sa pagkakaroon ng peaceful transition sa kasaysayan ng ating bansa

Kaisa aniya ang DFA sa pagluluksa ng sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Cardinal.


Pumanaw si Cardinal Vidal nuong Myerkules sa edad na 86.

Naging arsobispo ito mula 1982 hanggang 2011.

Facebook Comments