
Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa paghihipit ngayon ng Iraqi government sa pagkuha ng mga larawan at video sa nagaganap na missile attack sa Baghdad.
Ayon sa DFA, nagbabala ang Iraqi authorities na pananagutin nila sa batas ang mahuhuling lumalabag sa panuntunan.
Una nang naglabas ng pahayag ang mga awtoridad sa Iraq hinggil sa pagbabawal ng Iraqi authorities sa pag-post ng mga larawan at videos mula sa strike sites para maprotektahan ang sensitive locations.
Pinapayuhan din ang media na ma-report ng tama at iwasang magsapubliko ng detalye ng operasyon.
Una nang tinarget ng walong missile ng Iran ang US diplomatic at logistics facility sa Baghdad International Airport nitong Linggo, March 22.
Facebook Comments










