
Nagtalaga ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kanilang tagapagsalita para sa maritime affairs.
Sa harap ito ng palitan ng patutsada ng Chinese Embassy sa Pilipinas at ng ilang opisyal ng Pilipinas.
Si Deputy Assistant Secretary Rogelio E. Villanueva Jr. ang itinalaga ng DFA na kanilang Spokesman for Maritime Affairs.
Si Villanueva ay dating Director ng Maritime and Ocean Affairs Office (MOAO) bago ito naging acting Deputy Assistant Secretary.
Dati rin siyang naka-assign sa Philippine Embassy sa Lisbon, bilang 3rd Secretary at Vice Consul mula 2011 hanggang 2014.
Naging Consul din si Villanueva sa Philippine Consulate General sa Vancouver mula 2014 hanggang 2017.
Bago rin siya na-recall sa home office noong January 2025, na-assign din si Villanueva sa Philippine Consulate General sa Frankfurt kung saan nagsilbi siya bilang Consul at Deputy Consul General, mula 2019 hanggang 2025.
Si Villanueva ay nagtapos sa Philippine Military Academy noong 1994 at nagsilbi siya sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) bago lumipat sa Foreign Service noong 2008.
Mayroon din siyang Masteral Degree sa Maritime Administration mula sa World Maritime University.










