Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may contingency plans ang pamahalaan para sa mga Pilipino sa Taiwan.
Ito ay sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at ng Mainland China.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ed de Vega, nag-uusap na ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) at iba pang ahensya ng gobyerno para sa mga kaukulang hakbang na ipatutupad para sa paglilikas ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa ngayon, mahigit 254,000 ang mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan.
Facebook Comments