WANTED PERSON SA CAUAYAN CITY, ARESTADO

36
Cauayan City, Isabela- Bagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang lalaking wanted sa batas matapos maaresto ng mga otoridad sa Brgy. Cabugao, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Danilo Dalafu, 45 taong gulang, may-asawa, helper at residente ng nasabing barangay.

Dinakip si Dalafu sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Dominica Lumicao Dumangeng-Rosario ng Judge, Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 27, Bayombong, Nueva Vizcaya na may petsang July 11, 2022 para sa kasong tatlong beses na pagnanakaw.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapag lagak ng piyansang P120,000 sa bawat kaso.

Nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang akusado at anumang araw ay ipapasakamay sa court of origin.

Facebook Comments