DFA, nakapaghain na ng Diplomatic Protest sa China kaugnay ng Recto bank incident

Naghain na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China.

Kaugnay ito ng pag-abandona ng Chinese Fishing Vessel sa 22 mangingisdang Pinoy na lulan ng lumubog na fishing boat sa Recto bank noong Linggo.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. na tahamik niyang inihain ang protesta kahapon.


Ang pahayag na ito ng kalihim ay tugon naman sa rekomendasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na paimbestigahan sa Maritime Safety Committee ng International Maritime Organization (IMO) ang nangyaring insidente.

Ayon naman kay Prof. Jay Batongbacal, Direktor ng UP Institute of the Maritime and Law of the Sea, dapat na igiit ng Pilipinas ang arbitration ruling kung saan pinaburan ng UN Arbitral Tribunal ang bansa hinggil sa maritime dispute sa West Philippine Sea.

Facebook Comments