Nakapagpauwi na ang pamahalaan ng nasa 204,481 Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 69,477 (33.98%) repatriated overseas Filipinos ay sea-based habang 135,004 (66.02%) ay land-based.
Nitong Setyembre pa lamang,nasa 41,892 overseas Filipinos ang na-repatriate ng pamahalaan.
Karamihan sa mga Pilipinong nakauwi ay mula sa Middle East (74.5%), Asia and Pacific (10.1%), Americas (8.8%), Europe (6.3%) at Africa (0.3%).
Facebook Comments