Isang kaso lamang ng COVID-19 sa hanay ng mga Pilipino sa abroad ang nadagdag sa talaan ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, ang naturang Pinoy ay nakabase sa Asia-Pacific.
Sa ngayon, umaabot na sa 8,804 ang mga Pinoy sa ibayong dagat na nagkasakit ng COVID-19 at ito ay mula sa 64 na mga bansa.
Sa naturang bilang, 2,944 ang patuloy na ginagamot habang 5,266 naman ang gumaling.
Umaabot naman sa 594 na mga Pinoy sa abroad ang binawian ng buhay dahil sa COVID.
Samantala, umakyat na sa 54,222 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa naturang bilang, 38,813 ang active cases, 1,387 ang nadagdag sa mga kaso ngayong araw kung saan 918 ang fresh cases, habang 469 ang late cases.
Nakapagtala naman ang Department of Health (DOH) ng 807 new recoveries at umaabot na ngayon ang kabuuang recoveries sa 14,037.
May 12 namang panibagong binawian ng buhay kaya umaabot na ngayon sa 1,372 ang deaths.