DFA, nakatakdang makipagpulong sa mga opisyal ng Kuwait kaugnay ng entry ban sa mga OFW

Nakatakdang bumiyahe sa mga susunod na araw ang mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) sa Kuwait, para makipagpulong sa mga opisyal upang magkaroon ng paglilinaw sa ipinatupad na kautusan na ito.

Matatandaan na iginiit ng ahensiya na walang ginawang paglabag ang Pilipinas, para kanselahin ang new entry visa ng mga Pilipino sa Kuwait.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Cortez, ito’y kasunod ng mga lumabas sa ilang pahayagan sa Kuwait kaugnay sa naging paglabag umano ng Pilipinas sa bilateral labor agreement dahil sa pagtatayo nito ng shelter para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).


Samantala, dagdag pa ng kalihim na naayon sa batas ng Pilipinas sa ilalim ng RA 8042 o Migrant Workers Act ang paglalagay ng mga shelter sa ibang bansa para maprotektahan ang mga OFW na biktima ng mga mapang-abusong employer.

Facebook Comments