Isa, patay sa nangyaring sunog sa Maynila

Isa ang napaulat na nasawi sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Oroquieta Street, kanto Doroteo Jose sa Sta. Cruz, Maynila.

Ito ang inihayag ng Manila Fire Department, pero hindi muna inilabas ang pangalan ng nasawing biktima.

Apat naman ang naitalang sugatan kung saan isa ang nagtamo ng mga paso sa iba’t ibang parte ng katawan, dalawa ang nagkasugat at isang 61-anyos na babae ang nabalian ng balakang.


Nabatid na nagsimula ang sunog ng alas-3:49 ng madaling araw na umabot ng ikalimang alarma.

Alas-6:43 ng umaga ng ideklarang fire under control ang sunog kung saan patuloy ang operation ng Bureau of Fire Protection (BFP), para tuluyan na itong maapula.

Hindi pa rin naman mabatid kung ilang bahay ang nasunog maging ang pinagmulan ng insidente.

Facebook Comments