DFA, nakatutok sa search and rescue operations sa lumubog na barko sa Indian Ocean kung saan missing ang 5 Pinoy crew

Tiniyak ni Foreign Affairs Spokesperson Maria Teresita Daza na nakatutok ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa paghahanap sa limang nawawalang Filipino seafarers na kabilang sa lumubog na barko sa Indian Ocean.

Ang naturang Chinese fishing vessel na Lu Peng Yuan Yu 028 ay may sakay din na 17 Chinese at 17 Indonesian crew.

Sa ngayon, isang multinational search and rescue operation ang isinasagawa para matunton ang mga nawawalang seafarers.


Ang naturang barko ay pag-aari ng Penglai Jinglu Fishery Co., isa sa malaking state-run fishing companies sa China.

Facebook Comments