16 pang biktima ng human trafficking sa Cambodia, dumating sa bansa

Photo Courtesy: Department of Migrant Workers

16 pang biktima ng human trafficking sa Cambodia ang dumating sa bansa.

Ang naturang mga Pinoy ay nasagip ng Philippine Embassy sa Cambodia at ng Department of Migrant Workers (DMW).

Sila ay sinamahan mismo sa flight pauwi ng Pilipinas ng ilang opisyal ng DMW.


Sinalubong naman sila sa airport ng ilang tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng DMW.

Facebook Comments