Manila, Philippines – Ipina-abot ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa international community ang pagbubunyi matapos ang pagkakabawi ng gobyerno ng Iraq sa Mosul mula sa kamay ng ISIS.
Ayon sa DFA, pinupuri ng Pilipinas ang Iraq at ang mga Iraqi sa tagumpay nito matapos ang pinagdaanang hirap para makuha muli ang kontrol ng Mosul.
Ipinapa-abot din ng gobyerno ng Pilipinas ang patuloy na pagsuporta nito sa giyera kontra terorismo.
Sa kabilang dako, ikinalulungkot anila ng Pilipinas ang pagkawala ng maraming buhay sa paglaban ng Iraqi government kontra terorismo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments