DFA, nakikipag-ugnayan na sa Konsulada ng Pilipinas sa Shanghai para sa mga Pilipinong nasa Wuhan, China

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Konsulada ng Pilipinas sa Shanghai sa mga Pilipinong nasa Wuhan, China – ang “ground zero” ng 2019 novel coronavirus.

Ayon sa DFA – hinihiling nila ang mga Filipino community leaders doon na magbigay ng tulong lalo na sa mga turista o short-time visit.

Tiniyak ng ahensya na mahigpit nilang tinututukan ang virus outbreak sa China sa pamamagitan ng embahada at consulates general.


Pinayuhan din ang mga Pilipino sa China sumunod sa local health authorities.

Samantala, magsasagawa ng emergency meeting ang DFA migrant workers affairs ngayong araw para talakayin ang mga magiging hakbang sa health emergency.

Facebook Comments