Sabayang patak kontra polio, ipagpapatuloy sa NCR ngayong araw

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na makiisa sa synchronized polio vaccination drive na ipagpapatuloy ngayong araw.

Matatandaang kinumpirma ng DOH na umabot na sa 16 ang kaso ng polio sa bansa.

Ayon kay DOH spokesperson, Undersecretary Eric Domingo – ang sabayang patak kontra polio ay gaganapin sa National Capital Region at magtatagal hanggang February 7.


Dapat aniya, mabakunahan ang mga bata mula 0 hanggang 59-months old.

Samantala, ang panibagong round ng polio vaccination drive ay gaganapin mula March 9 hanggang 20.

Facebook Comments