Jaybee Sebastian, Posibleng Iharap Sa Pagdinig Ng Kamara Sa October 5 Kaugnay Ng Ilegal Drug Trade Sa Bilibid

6

MANILA – Ihaharap ng Dept. of Justice (DOJ) sa susunod na pagdinig ng kamara ang convicted drug lord na si Jaybee Sebastian kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, hindi inimbitahan ng kamara si Sebastian pero, pwede niya itong paharapin sa pagdinig House Committee on Justice sa October 5.Si Sebastian, ang sinasabing kasabwat ni Sen. Leila De Lima sa pangongolekta ng payola sa mga high profile inmate sa Bilibid para sa kanyang kandidatura.Sinabi naman ni Committee Chair. Reynaldo Umali, na mahalagang mapakinggan ang mga sasabihin ni Sebastian.Una nang iginiit ni De Lima, na wala siyang tinanggap na drug money sa Bilibid at kasinungalingan lamang ang mga bintang sa kanya.

Facebook Comments