DFA, nilinaw na hindi na kailangan ang birth certificate sa mga magre-renew ng passport

Nagpaalala si Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. na hindi na kailangan sa pagrenew ng passport ang birth certificate.

Ayon kay Locsin, required lamang ang birth certificate sa mga first time na kukuha ng passport gayundin sa mga nawalan ng passport o napunit, mga aplikanteng nasa watchlist ng DFA, sa mga magrerenew ng lumang brown at green passport na walang kumpketong middle name at sa mga magrerenew ng pasaporte na may kailangang baguhin sa impormasyon.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Locsin sa harap ng kalituhan ng publiko sa requirements sa pagrenew ng passport.


Facebook Comments