Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na lahat Filipino citizens sa India ay sakop ng repatriation efforts ng pamahalaan.
Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa India kung saan isinisisi ito sa Indian variant na double mutant.
Ayon sa DFA, handa ang pamahalaan na tulungan ang lahat ng Pinoy sa India na hihingi ng tulong para makauwi ng Pilipinas.
Una nang inirekomenda ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapatupad ng travel ban sa India.
Nananatili ring sarado ang Embahada ng Pilipinas sa New Delhi hanggang sa May 17, sa harap ng lockdown na pinaiiral ngayon sa India.
Facebook Comments