DFA, nilinaw na walang travel advisory sa Qatar

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Foreign Affairs na wala silang travel advisory sa Qatar.

Ayon sa DFA, malayang magtungo ng nasabing bansa ang mga Pilipinong may trabaho o aasikasuhing negosyo sa Qatar.

Gayunman, kailangan anilang maging maingat sila.


Nilinaw naman ng DFA na ang hindi lamang papahintulutang magtungo sa Qatar ay ang mga bagong hire na Filipino workers.

Kasunod na rin ito ng pansamantalang pagsuspinde ng gobyerno ng Pilipinas sa deployment ng OFWs doon.

Gayunman, tuluy-tuloy anila ang pagproseso ng pamahalaan ng mga dokumento para sa mga nais magtrabaho sa Qatar.

Oras kasing humupa ang tensyon sa Gulf Region ay agad na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang deployment ng OFWs sa Qatar.
DZXL558

Facebook Comments