Pagpapatayan ng kapwa Pilipino, ikinalungkot ni Pangulong Duterte

Sultan Kudarat, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasasaktan siya habang nakikitang nagpapatayan ang mga kapwa Pilipino.

Ito’y kasunod ng patuloy na bakbakan sa Marawi City.

Sa kanyang talumpati sa headquarters ng 1st Mechanized Infantry Brigade sa Tacurong City, Sultan Kudarat, sinabi ng Pangulo – pati ang pagdedeklara ng martial law sa Mindanao ay labag sa kanyang kalooban.


Nabanggit din ni Pangulong Duterte na may ilang mula sa kampo ng mga kalaban na gustong makipag-usap sa kanya pero wala na siyang panahon para humarap sa mga ito dahil sa dami ng mga napatay na sundalo at pulis.

Bagamat natataglan siya, target pa ring tapusin ng Pangulo ang gulo sa Marawi.

DZXL558

Facebook Comments