DFA, patuloy na inaalam ang kalagayan ng mga Pinoy sa Mexico matapos ang magnitude 7.1 na lindol

Manila, Philippines – Inaalam na ng Department of Foreign Affairs ang kondisyon ng mga Pinoy sa Mexico makaraan ang nangyaring magnitude 7.1 na lindol .

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, naka deploy na ang mga otoridad upang matiyak na ligtas ang tinatayang 60 myembro ng Filipino community sa Mexico.

Pero sa inisyal na impormasyon, all accounted for ang lahat ng mga Pilipino.
Samantala, sa mensahe na ipinadala ni Ambassador Eduardo de Vega kay Sec Cayetano, sinabi nitong maswerte silang nakaligtas sa nangyaring malakas na pagyanig.


Kwento pa nito, sya at ang 11 staff ng ating embahada sa Mexico ay maswerteng nakalabas agad ng gusali bago magsimulang gumuho ang pader at ceiling ng kanilang opisina.

Sa pinaka huling tala, umaabot na sa 119 ang nasawi sa nasabing magnitude 7.1 na lindol

Ito na ang pangalawang lindol na yumanig sa Mexico ngayong buwan.

Facebook Comments