DFA, pinababalik sa bansa ang Philippine Ambassador to Saudi Arabia

Pinababalik sa bansa ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto matapos mahuli sa isang video ang asawa nito na nag-eendorso ng isang kandidato sa pagkapangulo.

Tampok sa video ang pagsasalita ng asawa ni Alonto kung saan makikita ang mga poster ng BBM-Sara tandem sa background.

Dahil dito, iniimbestigahan na ito ng DFA dahilan para pabalikin sa bansa si Alonto para sa home office consultation.


Nagpaalala rin ang DFA sa mga kawani nito na bawal masangkot sa partisan political activities ngayong nalalapit na ang eleksyon.

Mababatid na nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) na papatawan nila ng parusa ang government employees na lalahok sa mga naturang aktibidad.

Facebook Comments