DFA, pinayapa ang mga OFW sa Kurdistan

Manila, Philippines – Walang dapat ikapangamba ang mga Overseas Filipino Worker na naninirahan at nagta-trabaho sa Kurdistan.

Ito ay kasunod narin ng pagdedeklara ng kasarinlan ng mayorya ng mamamayan ng nasabing bansa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Sec Allan Peter Cayetano ang lahat ng ating mga kababayang nagttrabaho sa northern region ng Iraq at nangangambang maapektuhan sa sitwasyon ay hindi daw dapat mag-alala.


Kasunod nito inatasan na ng ating Embahada sa Baghdad na tyaking may kaukulang paghahanda sa anumang magiging sitwasyon na ibubunga nito.

Paliwanag pa ng kalihim, maliban sa pagsususpinde ng gobyerno ng Iraq sa mga Int’l flights papuntang Erbil at Sulaymaniyah at pabalik ay nananatili namang stable ang kabuuang sitwasyon sa naturang bansa.

Patuloy ring nakikipag ugnayan ang mga kinatawan ng Embahada sa mga Pinoy sa Kurdistan at may team naring nasa ground na handang umayuda sa mga ito.

Sinabi naman ni Phil Embassy Chargé d’Affaires Elmer Cato na tinatayang nasa 3,000 mga Filipino ang naninirahan at nagttrabaho sa nasabing bansa na kinabibilangan ng mga Engr, teachers, nurse at mga house hold workers.

Nabatid na batay sa naging resulta ng botohan sa nabanggit na bansa, 92% mula sa 3milyong mamamayan ang bumoto na pabor na magkaroon ng kasarinlan ang Kurdistan mula sa Iraq base narin sa nakalap na resulta ng kanilang electoral commission.

Facebook Comments