Negosyante pinagbabaril patay sa bayan ng Kabacan North Cotabato

Patay ang isang negosyanteng babae ng ito ay pagbabarilin sa bahagi ng USM Avenue sa bayan ng Kabacan sa lalawigan ng Cotabato pasado alas otso kagabi.
Kinilala ng Kabacan Pnp ang biktima na si Magdalena Limos alyas Barbie 45 anyos, may asawa at residente ng Poblacion Kabacan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Pnp ay nagpakilalang mga customer ang dalawang lalaking suspect . Isa kanila ang bumaril sa biktima gamit ang cal.45 na pistola. Sa likod ng ulo at dibdib ang tama ng biktima na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan.
Kaagad sumibat ang 2 hindi nakilalang mga suspect matapos isagawa ang pamamaril.
Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Pnp sa nangyaring krimen.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments