Cauayan City, Isabela- Dagsaan pa rin ang mga Pinoy sa pagkuha ng pasaporte sa Department of Foreign Affairs-Santiago Satellite Office para magamit sa kanilang pangingibang bansa.
Sa panayam ng Ifm Cauayan sa mga passport applicant, batid nilang maiibsan ang hirap ng buhay sa Pilipinas kung sila ay mangingibang bansa upang matulungan ang kanilang mga mahal sa buhay.
Batid nila ang laki ng kita sa pangingibang bansa kaya’t malayo man sa pamilya ay pinipili pa rin nilang gawin ito.
Karamihan naman sa mga nagtutungo sa DFA Satellite Office ang mga kababaihan na magtatrabaho bilang kasambahay sa abroad at ang iba naman ay kalalakihan bilang factory worker.
Facebook Comments