Nakatakdang talakayin ni United States Security Advisero Robert O’Brien at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang regional security cooperation at pangungunahan ang ceremonial turn-over ng defense articles sa Pilipinas ngayong araw.
Matatandaang inanunsyo ng White House na bibisita si O’Brien sa Pilipinas at Vietnam maging sa mga bansang nababahala sa agresibong maritime claims ng China.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang gagawing testament ay patunay ng lumalakas na alyansa, partnership at pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Inaasahang magbibigay ng talumpati sina Locsin at O’Brien sa gagawing turn-over ceremony.
Dadalo sa seremonya sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon, at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gilbert Gapay.