Phoenix Fuelmasters, isang panalo na lang ang kailangan para makapasok sa finals ng PBA Cup

45

Isang panalo na lang ang kailangan ng Phoenix Fuelmasters para makapasok sa finals ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Ito ay matapos hindi papormahin ng koponan ang TNT Tropang GIGA sa score na 92-89 sa kanilang laro kagabi.


Bumida sa panalo ng Phoenix si Matthew Wright na nakapagtala ng 25 points habang mayroong 24 points, 14 rebounds, anim na assists at apat na steals si Calvin Abueva.

Nabatid na muntik pang madala ng TNT sa overtime ang laro sa natitirang 22 seconds, kung saan lamang ang Phoenix 92-89 subalit hindi na naipasok nina RR Pogoy at Jason Castro ang kanilang 3-points attempts.

Facebook Comments