DFA Sec. Locsin, kinumpirma ang pagpapakamatay ng isang Filipina seafarer habang stranded sa barko

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na isang Filipina seafarer ang nagpakamatay habang naghihintay ng repatriation.

Sa kanyang post sa twitter, sinabi ni Locsin na isang 28 years old na babaeng mariner ang nag-suicide sa kanyang cabin habang stranded sa barko.

Hindi kasi agad nakauwi ng Pilipinas ang Pinay crew member dahil sa pansamantalang pagsuspinde sa repatriation effort ng gobyerno sa stranded Overseas Filipino Workers (OFWs) sa abroad.


Ito ay dahil sa siksikan pa ngayon ang quarantine facilities ng gobyerno matapos ang magkakasabay na pag-uwi ng libu-libong OFWs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Hindi naman binanggit ni Locsin sa kanyang post kung saang bansa naka-dock ang barko kung saan nangyari ang insidente.

Facebook Comments